Maikli lamang ang panahon ng pananakop ng mga Hapon. Subalit ang
panahong iyon ay nakatimo din sa isipan ng ating mga kababayan. Ilan sa mga isyu
at usaping binubuksang muli ngayon ay ang isyu ng “comfort women” o pangaabuso sa mga kababaihan. Isa lamang iyan sa mga naranasan ng mga Pilipino sa
kamay ng mga Hapon.
Sa modyul na ito, pagtutuunan ng pansin ang pamamahala at
pamamalakad ng mga Hapon, ang mga pagbabagong nais nilang ipatupad, at
ang mga karahasang hinding hindi malilimutan ng mga Pilipinong nabuhay
noong panahong iyon. Talaga nga kayang pagkakalooban nila ng kalayaan ang
mga Pilipino noon?
Pwede po iyong,kung ano iyong natutunan nilang aral sa topic na ito?
ReplyDelete